Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Special Report] Cancer: Napupuna sa mahihirap at mayayaman

(GMT+08:00) 2015-06-15 18:17:49       CRI

CANCER, MALAKING PROBLEMA.  Hindi biro ang magkasakit ng cancer.  ito ang sinabi ni Dr. Mary Claire Soliman, Vice President ng Philippine Society of Medical Oncologists (kaliwa) sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.  Nasa larawan din si Engr. Emer Rojas, isang cancer survivor na tinamaan ang vocal chords.  Kasama sa talakayan si Dr. Geneve Rivera Reyes, director ng Garchitorena Medicare Community Hospital sa Camarines Sur.  Hindi nakasama sa larawan si Dr. Dario Lapada, Jr., isa sa mga dalubhasa sa larangan ng Cancer.  (Melo M. Acuna)

HINDI biro ang magkasakit ng Cancer." Ito ang pinagkaisahang pananaw at karanasan ng mga panauhin sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Sa pamumuno ni Dr. Mary Clair Soliman, ang vice president ng Philippine Society of Medical Oncologists, Dr. Geneve Rivera Reyes, isang manggagamot mula sa Garchitorena Medicare Community Hospital at Dr.Dario Lapada, Jr., mahirap ang karamdamang ito.

Para kay Engr. Emer Roxas, ang early detecion ay makakatulong sa pagliligtas ng mga pasyente sapagkat masisimulan kaagad ang gamutan. Mahalaga ang panahon sa paggamot ng cancer, dagdag pa ni Engr. Roxas. Gumagamit na ng artificial voice enhancer gadget si G. Roxas matapos tamaan ng cancer sa kanyang lalamunan at naapektuhan ang kanyang vocal chords.

Halos 30 taong nagsigarilyo si Engr. Rojas na namumuno sa kampanya laban sa paninigarilyo. Ipinagpasalamat niya ang pagkakaroon ng bagong buhay matapos manganib sa loob ng isang pagamutan matapos ang operasyong ginawa sa kanyan sa isang government hospital.

Ibinahagi ni Dr. Geneve Rivera Reyes na nagkaroon siya ng isang pasyenteng 72 gulang na walang kamalay-malay na nagtataglay na ng cancer sa dibdib. Ang buong akala ng kanyang pasyente ay karaniwang sugat lamang at uminom ng gamot na antibiotics. Ginawan umano ni Dr. Reyes ng referral para sa Bicol Medical Center sa Naga City subalit wala man lamang pamasahe sapagkat mahirap ang pamilyang pinagmulan sa Garchitorena, Camarines Sur.

Isa sa mga dumalo ang nagsabing gumastos sila ng P300,000 para sa pagpapagamot sa kanyang ina subalit namatay din dahil sa halos Stage 4 na ang kanilang ina.

Si Dr. Dario Lapada ang nagsabing hindi biro ang gastos sa pagpapagamot sa karamdamang cancer. Kung mayroong genetic predisposition ang isang tao, kailangang maging maingat sa pagkain at lifestyle upang makaiwas sa karamdaman.

Ang pinakabatang cancer patient ni Dr. Lapada ay isang 19 na taong gulang na dalaga nagkaroon ng cancer of the breast. Napuna ito noong Stage 1 pa lamang kaya't nagamot kaagad. Kinikilala ang pasyenteng ito bilang isang cancer survivor.

Binanggit din ni Dr. Soliman na ang kanser ay natatagpuan sa mga obese o lubhang tataba at mga may diabetes. Kailangang mas maramaing gulay at prutas sa kanilang pagkain. Iminumungkahi rin ni Dr. Soliman ang pag-eehersisyo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>