MAGAGANAP ang unang bahagi ng decommissioning ng mga sandata at mandirigma sa Martes, ika-16 ng Hunyo.
Ito ang sinabi nina Professor Miriam Coronel-Ferrer at Mohager Iqbal sa isang press conference sa Crowne Plaza sa Ortigas Center, Pasig City.
Napapaloob dito ang ceremonial turnover ng 55 high-powered at 20 crew-serve weapons at decommissioning ng 145 mga ksapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces. Ang crew-serve weapons ay nangangailangan ng higit sa isang tao upang mapaputok tulad ng medium at heavy machine guns.
Magiging panauhing pandangal si Pangulong Aquino sa pagtitipon samantalang imbitado na rin ang mga mambabatas sa pagpapatotoo na magaganap ang decommissioning.
Ani Presidential Adviser on the Peace Process Kalihim Teresita Quintos Deles, hindi kailanman naganap ang decommissioning noong lumagda ang Moro National Liberation Front ng kasunduan sa pamahalaan noong 1996.