HIGIT na lumago ang kalakal ng mga sasakyan sa Pilipinas sa bentang umabot sa 23,139 para sa buwan ng Mayo na kinatagpuan ng 18% kaularan kung ihahambing sa benta noong Mayo 2014 na umabot sa 19,598 units.
Ayon sa piangsanib na ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. at ng Truck Manufacturers Association, nagkaroon ng 20% kaunalran sa benta sa unang limang buwan ng taon sa pamamagitan ng 107,280 units kung ihahambing sa 89,335 naipagbili noong unang limang buwan ng 2014.
Pampasaherong kotse pa rin ang nanguna sa naipagbiling 9,556 units mula sa 7,507 unit noong 2014. Lumago rin ang commercial vehicles ng may 12% sa bentang 13,583 units ngayong 2015 mula sa 12,091 units noong 2014.
Ipinagpasalamat din ng CAMPI ang paglagda sa Executive Order 182, ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) na may kabutihang idudulot sa industriya ng mga sasakyan.
Nanguna pa rin ang Toyota Motor Philippines Corporation na angkaroon ng 44.6% market share, Mitsubishi Motors Philippines na nagtaglay ng 19.2%, Ford Motor Philippines naman ang pumangatlo sa 8% share at Isuzu Philippines ang pang-apat sa 7.5% at panglima ang Honda na mayroong 6.3% share.