Sinabi kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na dapat itatag sa lalong madaling panahon ng UN at mga kinauukulang organong pandaigdig ang data base ng paglaban sa terorismo, at ibahagi ang impormasyon at yaman, upang likhain ang kondisyon sa mabisang pagpigil sa transnasyonal na paggalaw ng mga teroristang dayuhan.
Idinaos nang araw ring iyon ng UN Security Council ang pulong ng magkakasanib na pagpapalaganap ng impormasyon ng konseho ng non-proliferation, konseho ng pagpapataw ng sangsyon sa Al-Qaida, at konseho ng paglaban sa terorismo. Ipinahayag sa pulong ni Wang Min na ang pakikisangkot ng mga dayuhang terorista sa digmaan ay nagpasidhi ng sagupaang panrehiyon, at nagdagdag ng kahirapan sa paglutas sa mga alitang panrehiyon. Malubhang magsasapanganib sila sa katiwasayan at katatagan ng mga kinauukulang bansa at rehiyon, dagdag pa ni Wang.
Aniya, naging bagong misyon at hamon ng pandaigdig na pakikibaka laban sa terorismo ang pagbibigay-dagok sa mga teroristikong aktibidad sa pamamagitan ng internet.
Salin: Vera