Sa Ika-25 Pulong ng mga Signatoryong Bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na ipininid kahapon sa New York, Punong Himpilan ng UN, iniharap ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN at puno ng delegasyong Tsino sa pulong na ito, ang tatlong mungkahi hinggil sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad ng dagat.
Ang tatlong mungkahi ay: una, pagbabahagi ng daigdig ng komong kapalaran, at magkakasamang pagharap sa mga banta sa dagat; ika-2, pagsasakatuparan ng win-win result ng paglaki ng kabuhayan, pag-unlad ng lipunan, at pangangalaga sa kapaligirang pandagat; at ika-3, paggarantiya sa pantay-pantay na paglahok ng iba't ibang bansa, lalung-lalo na ng mga umuunlad na bansa sa pagtatakda ng pandaigdig na agenda at mga tuntunin na may kinalaman sa isyung pandagat.
Salin: Liu Kai