Ngayon ay Pandaigdig na Araw ng mga Tauhang Pamayapa ng United Nations (UN). Nanagawan si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN sa mga miyembro ng UN, lalo na sa mga maunlad na bansa na magbigay ng mas maraming suporta sa misyong pamayapa ng UN.
Sa kanyang talumpati bilang paggunita sa okasyong ito, sinabi ni Ban na 71 misyong pamapaya ang nabuo ng UN at mahigit isang milyong tauhan mula sa iba't ibang bansa ang lumahok dito para mapangalagaan ang kapayapaan ng iba't ibang lugar. Nagbigay-galang din siya sa mahigit 3,300 tauhang pamayapa na nasawi sa pagtupad ng kanilang misyon.
Ipinagdiinan din niyang kulang pa sa resources ang UN sa misyong pamayapa. Hiniling niya sa mga miyembro ng UN na magkaloob ng mas maraming pondo, kasangkapan at tauhan sa misyong ito.
Salin: Jade