Sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo noong Martes at Miyerkules si Yang Xiuping, bagong halal na Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center (ACC) sa mga embahador ng Myanmar, Singapore, at Thailand sa Tsina. Nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa ibayo pang pagpapalakas ng pagpapalitan ng ACC at mga embahada ng mga bansang ASEAN sa Tsina, at magkakasamang pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyong Sino-ASEAN.
Pinasalamatan ni Yang ang ibinibigay na pagkatig ng mga embahada ng naturang tatlong bansa sa ACC. Ipinahayag din niya na malawak ang prospek ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, at aktibong palalakasin ng ACC ang pakikipagpalitan sa mga embahada ng mga bansang ASEAN sa Tsina upang makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN.
Salin: Li Feng