Kumpirmado na ang unang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) sa Thailand.
Sinabi kahapon ni Rajata Rajatanavin, Ministro ng Kalusugang Pampubliko ng Thailand, na isang 57 taong gulang na mula sa isang bansa ng Gitnang Silangan ang nakumpirmang apektado ng nasabing sakit at kasalukuyang ikinukuwarentenas sa isang ospital sa Nonthaburi, lalawigan sa dakong gitna ng bansa. Nagpunta raw ang may-sakit sa Thailand para magpagamot ng kanyang heart disease.
Iba pang 59 katao na may kontak sa kanya ang ikinukuwarentenas din.
Salin: Jade