Sa Shanghai, Tsina—Ipininid dito kahapon ang ika-11 simposyum sa teorya ng mga Partidong Komunista ng Tsina at Biyetnam na may temang "pag-unlad ng lipunan at inobasyon ng pangangasiwa."
Magkahiwalay na nagtalumpati sa seremonya ng pagpipinid sina Xia Weidong, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina, at Vu Van Hien, Pangawalang Tagapangulo ng Komisyon ng Teorya ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Biyetnam. Binigyang-diin ng kapuwa panig na ang pagpapalitan sa karapatan ng pangangasiwa sa bansa ay mahalagang aspekto ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang partido ng Tsina at Biyetnam. Ang kasalukuyang simposyum ay makakatulong sa paglagom at paggamit ng mga partido ng sarili nilang matagumpay na karanasan, at pagpapataas ng lebel ng pagsasaayos sa lipunan. Patuloy na gagamitin anila ng kapuwa panig ang plataporma ng simposyum sa teorya, para mapasulong ang konstruksyon ng sariling partido at pag-unlad ng bansa.
Salin: Vera