Sa Great Hall of the People, Beijing—Nag-usap dito kahapon sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam. Pagkatapos ng pag-uusap, magkasama silang dumalo sa ika-15 mapagkaibigang pagtatagpo ng mga kabataan ng Tsina at Biyetnam.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na mahabang panahon, kumakatig sa isa't isa ang mga mamamayang Tsino't Biyetnamese, at malaliman ang kanilang pagkakaibigan. Umaasa aniya siyang mapapalalim ng mga kabataan ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, mapapasulong ang kanilang mapagkaibigang kooperasyon, walang tigil na mapapahigpit ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan nila, at mapapasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Nguyen na nagkokonsentra ang Tsina at Biyetnam sa kasaganaan ng sariling bansa, at ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa ay kinakailangang elemeno para marating ang naturang target.
Salin: Vera