Ipinahayag kahapon ni Fuad Basya, tagapagsalita ng panig militar ng Indonesia, inatasan na ni Pangulong Joko Widodo ang Hukbong Pandagat na isagawa ang paghahanap at pagliligtas sa mga Rohingya sa karagatang Indones. Sa sandaling matagpuan ang mga refugee sa dagat, agaran silang pahihintulutang dumaong sa pampang, aniya pa.
Mula nitong Biyernes, ipinadala ng panig militar ng Indonesia ang 4 na bapor ng hukong pandagat, 1 patrol plane, at 2 barge para lumahok sa search at rescue operation. Ngunit hanggang sa ngayon, wala pang nakikitang refugee.
Sa kanyang kauna-unahang talumpati bilang tugon sa kasalukuyang krisis ng refugees sa dagat, sinabi ni Joko Widodo na ang pagtanggap sa mga refugee ay "mainam na kalutasan." Ito aniya ay nagpapakita ng makataong diwa ng mga bansang Timog Silangang Asyano.
Salin: Li Feng