Ayon sa kapulisan ng Malaysia, sinimulan na ang imbestigasyon sa 12 pulis na di-umano'y sangkot sa pagpupuslit ng tao. Pinaghihinalaan silang may kinalaman sa mga natuklasang libingan ng mga Rohingya malapit sa hanggahan ng Thailand at Malaysia.
Sa simula ng buwang ito, magkasunod na natuklasan ng kapulisan ng Malaysia at Thailand ang malawak na libingan ng pinaghihinalaang ilegal na migrante mula sa Bangladesh at Myanmar. Matatagpuan ang nasabing mga libingan sa hanggahan ng Malaysia at Thailand.
Maraming ilegal na migrante mula sa Myanmar at Bangladesh ang nagtutungo sa mga bansa ng Timog-silangang Asya. Karamihan sa mga migrante ay Rohingya, Muslim na namumuhay sa Myanmar at Bangladesh. Pero, hindi kinikilala ng nasabing dalawang bansa ang mga Rohingya bilang kanilang mamamayan. Dahil sa mga madugong alitan sa pagitan ng mga Rohingya at mga mananampalataya ng Budismo, maraming Rohingya ang tumakas ng Myanmar at ilegal na nandayuhan sa Thailand, Malaysia at iba pang mga bansa.
Salin: Jade