BEIJING, Tsina—idinaraos mula ngayong araw hanggang bukas ang Pandaigdig na Porum laban sa Terorismo. Sa ilalim ng temang "Pahigpitin ang Pandaigdig na Pagtutulungan para Mapigilan at Malabanan ang Cyberspace Terrorism," humigit-kumulang 70 kinatawan mula sa mga kasapi ng Porum ay nagtatalakayan hinggil sa pamamaraan at panganib na dulot ng mga organisasyon at indibiduwal sa paglunsad ng aktibidad na teroristiko sa pamamagitan ng Internet. Nagbabahaginan din sila ng mga katugong hakbangin laban sa terorismo. Tinalakay rin nila kung paano pahihigpitin ang pagtutulungang pandaigdig para mapigilan at mabigyang-dagok ang terorismo online.
Itinatag ang Pandaigdig na Porum laban sa Terorismo noong 2011. Kabilang sa 30 miyembro nito ay ang Tsina, Estados Unidos, Britanya, Turkey, Uninyong Europeo at iba pa.
Salin: Jade