|
||||||||
|
||
Lalahok si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-17 Summit ng Tsina at Uniyong Europeo (EU), at dadalaw sa Belgium, Pransiya, at punong-himpilan ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) mula bukas hanggang ika-2 ng Hulyo.
Kaugnay nito, idinaos kahapon ng Ministring Panlabas at Ministri ng Komersyo ng Tsina ang news briefing.
Ayon sa news briefing, ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng Tsina at EU at nakahanda ang dalawang panig na samantalahin ang pagkakataong ito para itakda ang mga pangunahing proyektong pangkooperasyon sa susunod na yugto. Sa gaganaping Summit, magpapalabas din ang dalawang panig ng mga dokumento hinggil sa pagbabago ng klima, karapatan sa pagma-may-ari sa likhang-isip, adwana at inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya.
Sa kasalukuyan, 11 taong singkad na nagsisilbi ang EU bilang pinakamalaking trade partner ng Tsina. Samantala, tuluy-tuloy na 12 taon na nagsisilbi ang Tsina bilang ikalawang pinakamalaking trade partner ng EU. Sa gaganaping summit, magsasanggunian din ang dalawang panig hinggil sa mga patakaran sa kalakalan at pamumuhunan.
Sa kanyang biyahe sa Belgium at Pransiya, makikipag-usap si Premyer Li sa mga lider ng nasabing dalawang bansang Europeo. Lalagda rin ang Tsina, kasama ang dalawang bansa, sa mga dokumentong pangkooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sa kanyang pagbisita sa punong-himpilan ng OECD, magtatalumpati si Premyer Li hinggil sa isyu ng kaunlaran. Ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng Tsina at OECD ang kooperatibong relasyon sa diyalogong pampatakaran. Sasamantalahin din ng dalawang panig ang pagkakataong ito para mapataas ang lebel ng pagtutulungan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |