Ayon sa ulat kamakailan ng isang lingguhang magasin ng Hapon, sinabi ni Punong Ministro Shinzo Abe sa mga puno ng media agencies sa isang internal meeting noong unang dako ng Hunyo, na sa isinasagawang pagsususog sa batas na panseguridad ng bansa, isinaalang-alang niya ang Tsina at South China Sea.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kung mapapatunayang totoo ang sinabi ni Abe, kailangan niyang ipaliwanag ang hinggil dito.
Hinimok ni Hua ang administrasyon ni Abe na lagumin ang aral na pangkasaysayan para iwasang maulit ang kasalanang pangkasaysayan at tumahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.