Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na natapos ang land reclamation ng kanyang bansa sa ilang isla at reefs ng Nansha Islands at sa susunod na yugto, itatayo roon ang mga pasilidad para makatugon sa mga may kinalamang pangangailangan.
Ipinaliwanag niyang ang naturang mga pasilidad ay gagamitin, pangunahin na, para sa mga serbisyong pansibilyan at pandaigdigang responsibilidad at obligasyon, na gaya ng gawaing panaklolo sa dagat, pagpigil ng kalamidad, siyentipikong pananaliksik sa dagat, pagmomonitor sa klima, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, pangingisda, at kaligtasan ng paglalayag.
Dagdag pa niya, ang mga ito rin ay makakatugon sa mga saligang pangangailangang pandepensa.