Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay Tong Yerthor, Pangalawang Pangulo ng Lao Front for National Reconstruction (LFNR), sinabi ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na tulad ng dati, patuloy na pakikitunguhan ng panig Tsino ang relasyong Sino-Lao sa estratehiko at pangmalayuang pananaw, at aktibong pasusulungin ang komprehensibong estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang CPPCC na palakasin ang pakikipagpalitang pangkaibigan sa LFNR sa iba't-ibang antas para makapagbigay ng ambag para sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Tong Yerthor ang ibinibigay na tulong ng panig Tsino sa konstruksyon ng Laos. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng LFNR at CPPCC.
Salin: Li Feng