Nakipagtagpo kamakailan sa Jakarta si Xu Bu, bagong Embahador ng Tsina sa ASEAN, kay Agung Wesaka Puja, Director General ng Ministring Panlabas ng Indonesya para sa kooperasyon ng ASEAN. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa pagtatatag ng ASEAN Community, kooperasyong Sino-ASEAN, at iba pang isyu.
Kapwa kinikilala ng dalawang opisyal ang mahalagang papel ng Tsina at Indonesya sa mga suliraning panrehiyon. Anila, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, para walang humpay na pasulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at kooperasyon ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai