Binuksan kahapon sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ang Seminar on China-ASEAN Convention and Exhibition Affairs 2015. Kalahok dito ang mga opisyal na ekonomiko at pinansyal mula sa mga bansa ng Timog-silangang Asya na kinabibilangan ng Kambodiya, Indonesya, Laos, Malaysia, Pilipinas, Thailand, Biyetnam at ibang pang mga bansa sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Sa 14 na araw na Seminar, mag-aaral at magtatalakayan ang mga kalahok hinggil sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pagtatatag ng China-ASEAN Free Trade Area, kaalaman hinggil sa kombensyon at pagtatanghal.
Salin: Jade