Sa kauna-unahang pagkakataon, hinirang ng pamahalaan ng Kelantan, estado sa dakong silangan ng Malaysia, ang dalawang tagapayo sa kabuhayang Tsino para mapasulong ang halal industry ng lokalidad.
Ang nasabing dalawang tagapayo ay sina Xia Baowen, Puno ng panig Tsino sa China-ASEAN Logistics Industry Cooperation Committee at Bong Hon Liong, Presidente ng Malaysia-China Chamber of Commerce.
Ayon sa opisyal ng Kelantan, magbibigay-tulong ang nasabing dalawang tagapayo sa paghihikayat sa mga bahay-kalakal na mamuhunan sa lokalidad at magkakasamang pasulungin ang halal industry.
Salin: Jade