Isinapubliko kaninang umaga ng pamahalaan ng Gresya ang resulta ng reperendum hinggil sa pagtanggap o hindi sa "Reporma para sa Pondo" na iniharap ng international creditors. Ayon sa estadistika sa 94% ng boto, 61.3% ang tumutol at 38.7% naman ang sumang-ayon.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Punong Ministrong Alexis Tsipras ng Gresya na ito ay hindi nangangahulugang hihiwalay ang Gresya sa Europa, sa halip, inaasahan nitong mararating ang isang pragmatikong kasunduang matatanggap ng dalawang panig. Sinabi niyang tiniyak ng nasabing resulta ang paninidigan ng pamahalaang Griyego sa talastasan. Umaasa aniya siyang mararating ng dalawang panig ang isang sustenableng kasunduan hinggil sa mga isyung pautang.
Samantala, ipinahayag naman ng liderato ng Europa ang paggalang sa resulta ng reperendum ng Gresya. Anila pa, idaraos bukas ang espesyal na summit ng Euro-Zone, para talakayin ang mga posibleng mangyari sa Gresya pagkaraan ng reperendum.