Sinabi kahapon ni Yanis Varoufakis, Ministrong Pinansiyal ng Greece, na hindi babayaran ng kanyang bansa ang halos 1.6 bilyong Euro na utang sa International Monetary Fund (IMF) na nakatakdang bayaran kahapon.
Sinabi pa ni Yiannis Dragasakis, Pangalawang Punong Ministro ng Greece, na humingi ang bansa ng palugit sa IMF.
Bukod dito, iniharap sa pulong ng mga Ministrong Pinansiyal ng Euro Zone ng Pamahalaan ng Greece ang isang bagong plano hinggil sa pagbibigay-tulong sa bansang ito.
Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Jeroen Dijsselbloem, Presidente ng Eurogroup, na muling idaraos nito ang telephone meeting para talakayin ang naturang plano ng Greece. Aniya pa, ang amumang bagong kasunduan ng pagbibigay-tulong sa Greece ay dapat mayroong mas mahigpit na kondisyon.