Si Alexis Tsipras, PM ng Greece
Nanumpa kahapon sa tungkulin ang bagong pamahalaan ng Greece. Nauna rito, ipinahayag ni Alexis Tsipras, Bagong Punong Ministro ng bansang ito, na babaguhin ng kanyang pamahalaan ang mahigpit na patakarang pansalapi na isinasagawa sapul noong 2010, para lutasin ang problema ng mataas na unemployment rate at pasulungin ang paglaki ng kabuhayan.
Bukod dito, sinabi niya na walang problema ang kuwalipikasyon ng kanyang bansa bilang kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) at Euro Zone.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng EU ang pagsuporta sa patuloy na pagsasakatuparan ng Greece sa pangako ng reporma.