|
||||||||
|
||
SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang ulang bumubuhos sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa ay dulot pa rin ng tropical storm na si "Egay" (international name: Linfa).
Sa isang press briefing, sinabi ng PAGASA na patuloy na hinihigop ni "Egay" ang panahong habagat kaya't patuloy na nadarama ng kanlurang Luzon ang mga manaka-nakang pag-ulan at pagbugso ng hanging habagat.
Nagpatuloy naman ang lakas ng bagyong "Falcon" na may international name "Chon-ham", samantalang kumikilos patungo sa kanluran-hilagang-kanluran at magpapalakas pa ng Habagat.
Magdadala si "Falcon" ng mabigat hanggang sa napakalakas na ulan sa loob ng 300 kilometrong nasasakupan nito. Huling nakita si "Falcon" may 1,250 kilometro sa silangan ng Calayan sa Cagayan.
May lakas itong 130 kilometro bawat oras nalapit sa gitna at kumikilos sa bilis na 20 kilometro bawat oras. Pinayuhan ang mga mangingisda na umiwas sa mga baybay-dagat ng Luzon.
May mga pagkulog at pagkidlat na magdadala ng matinding ulan sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, Bataan, Batangas, Quezon at Laguna.
May mga pamahalaang lokal na nagkansela ng kanilang mga klase dala ng matinding ulan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |