Ipininid kahapon ng hapon sa Brussels, Belgium ang pulong ng mga Ministro ng Pananalapi ng eurozone. Ang krisis sa pautang ng Gresya ay nagsilbing pangunahing paksa sa nasabing pulong.
Ipinahayag ni Jeroen Dijsselbloem, Tagapangulo ng eurozone na kahit nalutas ang ilang problema sa pulong, kinakailangan pa rin ang seryoso at masusing negosasyon sa pagitan ng liderato ng mga may-kinalamang bansa para matapos ang ilang importanteng isyu. Ayon sa ulat, tinututulan ng Finland ang patuloy na pagbibigay-tulong sa Gresya; hinihiling naman ng Alemanya sa Gresya na isaayos ang estruktura ng utang, na gaya ng pagbebenta ng 50 bilyong Euro sa ari ng estado para bayaran ang utang nito.