Ibinaba kamakailan ng World Bank (WB) sa 4.7% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng Indonesia sa taong 2015.
Ipinahayag ni Ndiame Diop, punong ekonomista ng WB sa Indonesia, na bukod sa mabagal na pag-unlad ng konsumo sa loob ng bansa, at pagbaba ng pagluluwas ng mga paninda, mayroong tatlong (3) pangunahing elementong panlabas na nakakaapekto sa pag-unlad ng kabuhayang Indones: una, mabagal na paglaki ng kabuhayang pandaigdig na dulot ng mabagal na pag-ahon ng kabuhayang Amerikano; ikalawa, mabagal ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga pangunahing umuunlad na bansa; ikatlo, pagbaba ng pagluluwas, pagbabawas ng fiscal spending, at pagbagal ng pamumuhunan ng mga pangunahing ekonomiya.
Salin: Li Feng