Upang mapabilis ang pagsasakatuparan ng plano ng konstruksyon ng imprastruktura, bubuuin sa malapit na hinaharap ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang isang working group.
Ipinahayag kamakailan ni Luhut Binsar, Puno ng Komisyon ng Tagapayo ng Pangulong Indones, na dahil sa limitasyon ng mga batas at regulasyon, madalas ang paghadlang sa konstruksyon ng imprastruktura. Upang alisin ang mga ganitong hadlang, ipinasiya ng pamahalaang sentral ang pagbuo sa nasabing working group para mapabilis ang konstruksyon ng imprastruktura.
Ipinahayag din Sofyan Djalil, Ministro ng Pagkoordina sa Kabuhayan ng Indonesia, na isasapubliko ang mga may-kinalamang regulasyon ng working group sa lalong madaling panahon. Sa panahong iyon, maaaring maisakatuparan ang mas maraming proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Li Feng