Sinabi kahapon ng Komisyong Panseguridad ng Holland na isasapubliko sa unang dako ng darating na Oktubre ang pinal na ulat ng imbestigasyon sa Flight MH17 ng Malaysia Airlines na bumagsak noong isang taon. Kaugnay ng inisyal na ulat ng American media na umano'y "pinagbagsak ng mga armadong grupo sa Ukraine ang MH17," hindi nagbigay ng anumang komento ang nasabing komisyon.
Ayon sa inisyal na ulat sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano na ipinalabas noong Setyembre 2014 ng Komisyong Panseguridad ng Holland, isang bagay na may malakas na enerhiya ang bumangga sa eroplano, at ito ang nagdulot ng pagkasira ng estruktura ng eroplano at sumabog ito sa himpapawid.
Noong unang dako ng kasalukuyang buwan, ipinatalastas ng Holland na magkakasama nilang hihilingan ng Malaysia, Belgium, Australia, at Ukraine sa United Nations (UN) na buuin ang hukumang pandaigdig para litisin ang mga may kagagawan sa pagbagsak ng Flight MH17.
Salin: Li Feng