Tinukoy kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na marami pa rin ang mga gawain para hanapin ang katotohanan sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines. Aniya, pasusulungin ng Malaysia ang pagbubuo ng kompleto, komprehensibo, at nagsasariling hukumang pandaigdig para imbestigahan ang aksidenteng ito.
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas nitong Martes ng Ministring Panlabas ng Malaysia, sinabi nito na magkakasamang hihilingan ng Holland, Australia, Belgium, Malaysia, at Ukraine sa United Nations (UN) Security Council ang pagbuo sa hukumang pandaigdig para maisagawa ang pandaigdigang imbestigasyon sa nasabing aksidente.
Salin: Li Feng