Kinumpirma kahapon sa Beijing ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na itinatag na nila ng Thailand ang espesyal na mekanismo hinggil sa kooperasyon sa daambakal.
Kamakailan, ipinahayag ni Chatchai Sarikalya, Ministro ng Komersyo ng Thailand, na itinatag na ng Thailand at Tsina ang mekanismo ng kooperasyon sa daambakal.
Sinabi pa ni Shen na sa kasalukuyan, maayos ang pag-uugnayan at pagpapalitan ng dalawang panig sa mga impormasyon para pasulungin ang pagsasakatuparan ng mga may kinalamang proyekto.