|
||||||||
|
||
Ito ang kinahinatnan ng pagsusuring ginawa ng Social Watch Philippines sa paghahanap ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga programa at mga proyekto sa mga apektadong pook ni "Yolanda" sa ilalim ng malawakang Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP).
HINDI HANDA ANG PILIPINAS SA MGA TRAHEDYA. Ito ang sinabi ni dating National Treasurer Leonor Magtolis Briones (pangalawa mula sa kaliwa) ng Social Watch Philippines. Kakaunting halaga pa lamang ang nailalabas para sa mga biktima kaya't marami at wala pang ligtas na natitirhan.
Ilang araw Leonor Magtolis bago sumapit ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Aquino, inilabas ng budget watch group sa mga mamamahayag ang kanilang ulat sa kinahinatnan ng pondo para sa pagtatayong-muli ng mga napinsala. Napuna ang mabagal na paglalabas ng pondo mula sa Department of Budget and Management hanggang sa makarating ito sa mga ahensyang magpapatupad ng mga proyekto hanggang sa mga pamahalaang lokal.
Sa pagsapit ng Hunyo, 2015 sinabi ng Department of Budget and Management na nakapaglabas na sila ng P84 bilyon o 49% ng P 170.916 bilyon na nakalaan para sa Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan. Nagkataong napuna ng gruppo na ang halaga ay hindi para lamang sa mga tinamaan ni "Yolanda" sapagkat kabil;ang pa ang mga pook na napinsala ng lindol na nagmula sa Bohol at mga bagyong "Sendong" at "Pablo".
Ang resettlement cluster ng CRRP ang may pinakamalaking pangangailangan na nagkakahalaga ng P 75.679 bilyon para sa recovery at rehabilitation. Ang National Housing Authority ang nagpapatupad ng resettlement at build-back-better compliant housing para sa mga nasalanta ni "Yolanda."
Ani Prof. Leonor Magtolis Briones, ang namumuno sa Social Watch Philippines, wala pang ikatlong bahagi o (28.3%) o nagkakahalaga ng P 21.438 bilyon mula sa P 75.679 bilyon na salapi ng CRRP funding requirement ang nailabas hanggang noong ika-15 ng Hunyo, 2015. Mayroong 73,000 mga housing units mula sa 205,128 unit ng pabahay ang naipatayo.
Bumagal ang programa sa kakulangan ng sapat na lupaing paglilipatan ng mga biktima. Ito ang dahilan kaya't naninirahan pa rin ang mga mamamayan sa delikadong pook. Ang mga mamamayang ayaw umalis sa mga peligrosong pook ay hindi na isinasama sa mga benepisyaryo ng pabahay at paglilipatan.
Ipinaliwanag pa ni Prof. Briones na ang kalakhan ng pondo para sa Emergency Shelter Assistance ay ibinaba na sa mga pamahalaang local hanggang noong ika-30 ng Hunyo subalit hindi pa natatanggap ng mga nararapat makinabang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |