MALAKING tulong ang ipinadala ng mga Filipino sa Netherlands na hindi nag-atubiling tumulong sa mga binagyo noong nakalipas na Nobyembre.
Ito ang mensahe ni Pangalawang Pangulong Binay sa pakikipagpulong sa mga Filipino na kanyang nakausap sa Embahada ng Pilipinas sa The Hague.
Nabahala din umano ang pamahalaan ng Netherlands at nagpadala ng may € 36 milyon o P 2.26 bilyon. Tiniyak niya sa mga Filipino na ginagawa ng pamahalaan ang pagsasa-ayos sa mga napinsalang pook. Nagtatayo na umano ng mga tahanan para sa mga binagyo sa Tanauan, Ormoc at Tacloban sa Leyte.