SINABI ni Senate President Franklin M. Drilon, vice president ng Liberal Party na hindi mabubuwag ang koalisyon kahit pa magkatunggali sina Senador Grace Poe at Interior Secretary Mar Roxas.
Tumakbo si Poe at nagwagi bilang senador sa unang pagkakataon noong 2013 sa ilalim ng administration coalition ticket ng Liberal Party na nagsusulong kay Secretary Roxas na tumakbong pangulo. Hindi niya umano mawari kung saan nagmula ang balitang break-up sapagkat walang magaganap sa koalisyon. Ito ang sinabi ni G. Drilon sa isang regular na press forum sa Senado.
May alyansang nabubuo sa pagitan ng Nacionalista Party at Nationalist People's Coalition na susuporta kay Senador Poe at Senator Francis Escudero. Tumanggi naman sina Senador Cynthia Villar at Antonio Trillanes sa balitang ito.
Kapwa kasama sa koalisyon ang NP at NPC at kasama ang Akbayan partylist Group at Laban ng Demokratikong Pilipino. Siyam umano sa 12 senador na nagwagi noong 2013 ay mula sa koalisyon.