Ngayong araw, ika-23 ng Hulyo ay ika-2 karawan ni Prinsipeng George Alexander Louis ng UK, at sapul nang isilang si Prinsesa Charlotte Elizabeth Diana, naging kuya na si George.
Noong ika-23 ng Hulyo, 2013, pumasok sa limelight si George habang karga ng kanyang nanay at tatay at sinimulan ang kanyang buhay bilang ika-3 tagapagmana ng tronong Britaniko na sinusundan ng kanyang lolo na si Prinsipe Charles Philip at kanyang tatay na si Prinsipe William Arthur Philip Louis.
Sa edad na siyam na buwan lamang, sinamahan ni George ang kanyang tatay at nanay sa pagdalaw ng Australya at New Zealand. At noong 2 taong gulang, hindi siya natakot na humarap sa publiko at ikinawagy ang kamay sa mga kamera.
Ngayon, natatanggap ni Gorge ang mahigpit na pagsasanay sa pagsasalita at paggamit ng CR. Napag-alamang noong isang taon, para ipagdiwang ang unang karawan ni George, bumisita ang buong pamilya sa isang eksbisyon ng mga paruparo sa British Museum. At ngayong taon, ihahandog ng buong pamilya ang isang pribadong afternoon tea party sa kanilang bahay sa Norfolk.