Natapos kahapon ang pagdalaw ni Tagapangulo Yu Zhengsheng ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa Thailand. Sa 3-araw na pagdalaw na ito, nakipagtagpo si Yu sa kinatawan ng royal family at mga lider ng estado ng Thailand na kinabibilangan nina Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn, Punong Ministro Prayuth Chan-ocha, Presidente Prem Tinsulanonda ng Privy Council, at Presidente Pornpetch Wichitcholchai ng National Assembly.
Kapwa binigyan ng dalawang panig ng mataas na pagtasa ang magandang relasyong Sino-Thai at malalim na pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan. Ipinahayag nila ang pag-asang patuloy na pasusulungin ang relasyon ng dalawang bansa, opisyal na kooperasyon sa iba't ibang aspekto, at pagpapalitan ng mga mamamayan. Ipinahayag din nila ang kahandaang magkasamang pasulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Salin: Liu Kai