Mula kahapon, isinagawa ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ang opisyal na pagdalaw sa Thailand. Ipinahayag ni Ning Fukui, Embahador ng Tsina sa Thailand, na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand. Malaki aniya ang katuturan ng biyahe ni Yu sa nasabing bansa, at tiyak itong ibayo pang makakapagpalalim sa pagpapalitan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Binigyang-diin ni Ning na nitong ilang taong nakalipas, madalas ang pagdadalawan ng Tsina at Thailand sa mataas na antas, at nagiging mas malalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, at ibayo pang pinalakas ang kanilang tradisyonal na relasyong pangkaibigan.
Dagdag pa niya, iginigiit ng Tsina ang prinsipyong di-panghihimasok sa suliraning panloob ng ibang bansa. Bagama't nagbago ang situwasyong pulitikal ng Thailand, hindi nagbabago ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Thailand.
Salin: Li Feng