Ipinahayag kahapon ni Liang Yang, Tagapagsalita ng hukbong pandagat ng Tsina, na ang kanilang isinasagawang pagsasanay sa South China Sea ay bahagi ng taunang plano ng pagsasanay. Aniya pa, ang mga pagsasanay ay isinasagawa sa teritoryo ng Tsina at alinsunod sa mga may kinalamang pandaigdigang batas at prinsipyo.
Umaasa aniya siyang ang ibang mga bansa ay hindi magsasagawa ng labis na pagtaya sa layunin ng nabanggit na pagsasanay.
Inilahad ni Liang na ang pagsasanay ng hukbong pandagat ng Tsina ay naglalayong subukin ang kakayahang militar ng mga tropa at pataasin ang kakayahang panaklolo sa dagat.
Bukod dito, binigyang-diin ni Liang na buong sikap at matatag na pangangalagaan ng hukbong pandagat ng Tsina ang pambansang soberanya, katiwasayan at katatagan at kapayapaan ng rehiyon.