SINABI ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na nagbagong anyo ang industriya ng real estate sa Pilipinas sa nakalipas na ilang taon sapagkat tumatag ito sa nakalipas na 20 taon sa pagtaas ng pangangailangan ng residential at commercial properties sa paglago ng ekonomiya.
Sa kanyang talumpati sa mga namumuno at kasapi ng The Organization of Property Stakeholders, Inc sa pakikipagtulungan sa Land Registration Authority sa Fairmont Hotel kaninang umaga, sinabi ni G. Balisacan na isa ang Pilipinas sa mga nagtamo ng growth rate na umaabot sa 6.2% mula noong 2010 hanggang 2014. Natamo rin ng Pilipinas ang 7.1% noong 2013. Ang average growth rate na natamo sa nakalipas na limang taon ang pinakamataas sa nakalipas na apat na dekada.
Ang account surplus ay nasabayan pa ng matatag na foreign remittances papasok ng Pilipinas at matatag na Business Process Outsourcing earnings at mga natamong biyaya mula sa turismo.