NAMAYAPA na ang beteranong kolumnista ng Philippine Daily Inquirer na si Neal Cruz sa edad na 85. Naging managing editor ng Daily Express si G. Cruz na karaniwang nagpapalusot ng mga kwentong kontra kay Pangulong Ferdinand Marcos noong martial law.
Naging aktibo si G. Cruz sa kanyang National Press Club at naglabas ng mga pahayag hinggil sa pagpapatalsik kay Letty Jimenez Magsanoc ng Manila Bulletin.
Si G. Cruz ang isa sa mga nagtatag ng Kapihan sa Maynila sa Manila Hotel na nagtampok ng maiinit na isyu. Hindi nagtagal ay kinuha siyang kolumnista ng Philippine Daily Inquirer na kinatampukan ni Letty Jimenez Magsanoc bilang punong patnugot.
Lumabas ang kanyang pinaka-huling kolum noong ika-17 ng Hulyo na nagsabing hindi makapagdesisyon si Pangulong Aquino sa pipiliing kandidato sa pag-itan nina Mar Roxas at Grace Poe.
Nadulas sa banyo si G. Cruz mga dalawang linggo na ang nakalilipas ay dinala sa St. Luke's Medical Center at naoperahan upang mawala ang namuong dugo sa utak. Namatay siya kahapon sa edad na 85.