|
||||||||
|
||
NANAWAGAN ang Malacanang sa University of Santo Tomas na kilalanin ang interes ng publiko sa interes nilang kontra sa flood control project na ipinanukala ng pamahalaan.
Ayon kay Secretary Edwin Lacierda, ang panukalang flood catchment area na itatayo sa ilalim ng UST Open Field ay naglalayong matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang naglalakbay sa karaniwang binabahang Espana Boulevard.
Nagtanong pa si Secretary Lacierda kung mahirap bang unawain ang nais ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan?
Mas makabubuting kilalanin umano ang kapakanan ng nakararami. Nagtagumpay ang ginawang flood catchment area sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ito ang pahayag ni Secretary Lacierda matapos punahin ng mga mag-aaral si Pangulong Aquino sa pahayag nitong nagpatama sa University of Santo Tomas sa kanyang huling State of the Nation Address noong Lunes. Binanatan ni Pangulong Aquino ang isang malaking pamantasan ng manawagan siya sa bansang makipagtulungan para sa infrastructure projects ng kanyang pamahalaan.
Ayon sa pahayag ng mga mag-aaral sa kanilang regular na peryodiko, ang The Varsitarian, bumanat ang mga mag-aaral sa pagpapawalang-saysay sa cultural heritage ng ilang-daang taong pamantasan sa bansa.
Sa isang ulat, sinabi ng The Varsitarian na ang UST Open Field ay isang "National Cultural Treasure" noong 2010 sapagkat naging pook ito sa apat na pagdalaw ng mga Santo Papa sa tanyag na pontifical university.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |