|
||||||||
|
||
PUBLIC ATTORNEY'S OFFICE, NAGLINGKOD SA MGA DETENIDONG BANYAGA. Makikita sa larawan si Dr. Erwin Erfe ng PAO at Dr. Merry Clamor ng Karapatan na dumadalo sa mga banyagang detenido sa Bureau of Immigration Detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Pinamunuan ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta ang mga abogado's doktor na naglingkod sa piitan. (Melo M. Acuna)
NAGLINGKOD ang mga tauhan ng Public Attorney's Office sa mga banyagang napipiit sa Bureau of Immigration Detention Center sa loob ng Camp bagong Diwa sa TAguig City. Dumalaw din ang koponang pinamunuan ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta sa piitang puno ng mga banyagang naghihintay ng desisyon sa iba't ibang usapin.
Mayroong 180 mga banyaga sa piitan na mayroong 15 kababaihan. May 60 sa mga napipiit ang mga Tsino na umano'y nadakip sa pagtatrabaho ng walang kaukulang permiso.
Kasama rin nila sa tumingin sa kalagayan ng mga banyaga ang mga tauhan ng United Nations High Commission on Refugees sa pamumuno ni Atty. Ermina Gallardo, National Bureau of Investigation, pamahalaang lokal ng Quezon City at mga taga-Karapatan.
Matapos magbigay ng medical, dental, optical at legal assistance, tumuloy sila sa Taguig City Jail.
Ani Atty. Rueda-Acosta, taon-taon nilang dinadalaw ang mga banyagang nakapiit sa Immigration detention center ayon na rin sa kanilang mandate kasama na rin ang regular na pagtulong sa mga bilanggo sa buong bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |