Pitong (7) samahang di-pampamahalan ng Hapon ang magkakasamang nagpadala ng liham kay Punong Ministro Shinzo Abe bilang kahilingan sa huli na tumpak na pakitunguhan ang mapanalakay na kasaysayan ng bansa.
Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII), na matatapat sa ika-15 ng darating na Agosto, magtatalumpati si Abe.
Sa kanilang liham, hinimok ng nasabing mga samahan si Abe na ilakip sa kanyang ihahayag na talumpati ang pananalitang may kinalaman sa pag-amin sa krimen, paghingi ng paumanhin at pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima, kaugnay ng pananalakay ng Hapon sa mga kapitbansang Asyano noong WWII.
Anila, ang layunin nito ay para itatag ang mapagkaibigan at mapagkakatiwalaang relasyon sa pagitan ng Hapon at mga kapitbansang Asyano.
Salin: Jade