|
||||||||
|
||
Noong ika-26 ng Hulyo, 1945, magkakasamang ipinalabas ng Amerika, Britanya at Tsina ang Potsdam Declaration o Proclamation Defining Terms for Japanese Surrender. Bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng paglabas ng pandaigdig na dokumentong ito, inilabas ng Xinhua, opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina ang komentaryo.
Ayon sa komentaryo, kinikilala ng Potsdam Proclamation ang mga pangunahing nilalaman ng Cairo Declaration na nilagdaan ng noong 1943 na gaya ng pagtatakda sa katangian ng mapanalakay na digmaan, paghawak sa Hapon pagkaraan ng World War II (WWII), at saklaw ng teritoryo ng Hapon pagkaraan ng WWII. Sa pahayag ng pagsuko ng Hapon noong WWII, kinilala rin nito ang pagtanggap sa Potsdam Proclamation.
Nasasaad sa ika-6 na tadhana ng Proklamasyon na "There must be eliminated for all time the authority and influence of those who have deceived and misled the people of Japan into embarking on world conquest, for we insist that a new order of peace, security and justice will be impossible until irresponsible militarism is driven from the world." Batay rito, binalangkas ang Konstitusyon ng Hapon noong 1947 kung saan mababasa ang tadhana na magpakailaman itatakwil ng Hapon ang mga pamamaraan na kinabibilangan ng paglulunsad ng digmaan bilang soberanong bansa, pagbabanta sa paggamit ng dahas o paggamit ng dahas para malutas ang alitang pandaigdig; hindi pagkakaroon ng lakas na panlupa, pandagat at panghimpapawid at iba pang lakas na pandigma.
Ayon din sa Potsdam Proclamation, "the terms of the Cairo Declaration shall be carried out and Japanese sovereignty shall be limited to the islands of Honshu, Hokkaido, Kyushu, Shikoku and such minor islands as we determine."
Sinabi ng komentaryo ng Xinhua na labag ang ginagawa ng administrasyon ni Punong Ministro Shinzo Abe sa diwa ng Potsdam Proclamation na gaya ng pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang mga WWII Class-A criminals, pagbabago sa teksbuk na pangkasaysayan, pag-aalis sa pagbabawal sa karapatan ng collective self-defense, at pagpahayag ni Abe na hindi niya nabasa ang mga may kinalamang nilalaman ng Proklamasyon.
Hiniling ng komentaryo sa administrasyon ni Abe na huwag muling magtungo sa bingit ng digmaan, kilanlin ang mapanalakay na kasaysayan at isabalikat ang mga may kinalamang responsibilidad para muling itatag ang mapagkaibigang relasyon sa mga kapitbansang Asyano.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |