Isinapubliko ngayong araw ng pamahalaang Tsino ang logo bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hapon at World War II (WWII).
Makikita sa gitna ng logo ang numerong 70 na kulay-pula. Sa itaas ng numerong 70, may limang lumilipad na kalapati, samantalang sa likod ng numero, lumiliku-liko ang Great Wall na may hugis na V.
Ang V ay kumakatawan sa kapapayapaan at pagkakaisa ng nasyong Tsino. Ang limang kalapati ay sumasagisag sa hangarin sa kapayapaan at mga mamamayan mula sa limang kontinente na sumusulong patungo sa magandang kinabukasan pagkaraan ng digmaan.
Malawakang gagamitin ang logo sa mga aktibidad na may kinalaman sa paggunita sa WWII.
Salin: Jade