Isinapubliko kamakalawa ng gabi ng National League for Democracy (NLD) — pinakamalaking partido oposisyon ng Myanmar, ang listahan ng mga kandidato nito sa pambansang halalan ng bansa. Ayon sa listahan, ini-nominate ng NLD ang 1,133 kandidato para sa pagka-mambabatas ng parliamento sa iba't-ibang antas.
Si Aung San Suu Kyi, Pangulo ng NLD, ay tatakbo sa pagka-mambabatas ng House of Representatives. Ayon sa kasalukuyang Konstitusyon ng Myanmar, maaring makilahok si Aung San Suu Kyi sa halalan ng pagkamambabatas, maari rin siyang tumakbo sa posisyon ng pangulo ng parliamento, ngunit, hindi siya kuwalipikadong lumahok sa halalang pampanguluhan.
Salin: Li Feng