Ipinatalastas kahapon ng Komisyong Elektoral ng Myanmar na idaraos ang pambansang halalan sa Ika-8 ng darating na Nobyembre.
Ayon sa Konstitusyon ng Myanmar, maihahalal sa pambansang halalan ang mga miyembro ng Kongreso. Sa unang dako ng 2016, ihahalal ng Kongreso ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa at bubuuin ang bagong pamahalaan.
Ang mga kandidato ay kailangang magpatala sa Komisyong Elektoral mula sa ika-20 ng Hulyo hanggang ika-8 ng Agosto.
Sa kasalukuyan, may 83 rehistradong partido ang Myanmar.
Salin: Jade