Ipinatalastas kahapon ng Lupong Elektoral ng Myanmar na idaraos sa ika-8 ng darating na Nobyembre ang pambansang halalan.
Ayon sa konstitusyon ng Myanmar, sa araw ng pambansang halalan, boboto ang mga rehistradong botante ng buong bansa para maihalal ang mga mambabatas ng parliamento sa iba't-ibang lebel. Sa bagong parliamentong pederal na bubuuin sa unang dako ng susunod na taon, ihahalal ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa at bubuuin ang bagong pamahalaan.
Ayon pa sa proklamasyon ng Lupong Elektoral ng Myanmar, dapat opisyal na magparehistro ang mga kandidato mula parliamento sa iba't-ibang lebel sa nasabing lupon mula ika-20 ng Hulyo hanggang ika-8 ng Agosto ng kasalukuyang taon.
Salin: Li Feng