Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas ngayong araw ng namamahalang tauhan sa pagbabalita ng aktibidad sa paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Sambayanang Tsino at World Anti-Fascist War, na idaraos sa Beijing sa ika-2 at ika-3 ng susunod na buwan, ang mga maringal na aktibidad. Winiwelkam aniya ng Tsina ang pagsasagawa ng panayam ng mga dayuhang reporter tungkol dito.
Kailangang mag-login ang mga dayuhang reporter sa registration system na reg.kzjn70.cn para magparehistro sa network.
Sa panahon ng nasabing aktibidad, itatatag sa Beijing ang news center para magkaloob ng serbisyo ng impormasyon sa mga Tsino at dayuhang mamamahayag.
Salin: Li Feng