Kaugnay ng Defense White Paper na inilabas kamakailan ng Hapon na umano'y may banta mula sa Tsina at nagpapapangit sa imahe ng hukbong Tsino, ipinahayag kahapon ng Ministring Pandepensa ng Tsina ang pagtutol sa mga ito.
Ipinahayag ng Ministring Pandepensa ng Tsina na ipagpapatuloy ng bansa ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at paggiit ng defensive policy. Anito pa, buong lakas na pangangalagaan ng hukbong Tsino ang kabuuan ng teritoryo ng estado, at karapatan at interes sa karagatan. Dagdag pa nito, ipagpapatuloy ng Tsina ang mga legal at makatwirang aksyon sa mga may-kinalamang karagatan.