MANILA--Bilang paggunita sa Ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World War II, binuksan kamakailan ang pagtatanghal ng mga larawan hinggil sa kasalanan ng militarismong Hapones noong WWII.
Sa pagtataguyod ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas, 360 larawan ang nakatanghal sa eksibisyon.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Maynila, na muling ipinakikita ng eksibit na hindi madaling natamo ang kapayapaan. Ipinakikita rin aniya nito ang determinasyon ng mga Tsino, kasama ang mga mamamayan ng ibang bansa, na pangalagaan ang kapayapaan at pasulungin ang magkakasamang kaunlaran.
Mahigit 1,000 personahe na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa panig militar, kapulisan, at sektor pulitikal ng Pilipinas, kabataan, beteranong Pilipino, at biktima ng sex slavery ng hukbong Hapones noong WWII ang dumalo sa seremonya.
Salin: Jade